Friday, December 11, 2009

Maguindanao Massacre





Isang kagimbal-gimbal na pangyayari ang dumating sa ating bansa, ang pagkakaroon ng isang kahiya- hiyang pangyayari na di kayang ipagmalaki ng ating bansa, ito ay ang maguinadanao massacre. Hindi ko lubusang maiisip na may mga taong kayang gumawa nito, kahit isang tao lang ang patayin ay isang napakalaking kasalanan na, un pa kayang higit pa. Bakit kasi kailangan pang gawin ang ganitong bagay para lang masunod ang gusto ng isang tao. Kung sino man ang nagsimula ng lahat ng ito, sana'y makonsensya ka naman, siguro nga ay dapat wag muna syang patayin, at iparamdam sa kanya ang mga hirap na dinanas ng mga ipinapatay niya.




Ang Maguindanao Massacre ay isang krimen na may kaugnayan sa halalan. Ang mga sangkot sa krimen na ito ay tatakbo sa pulitika sa darating na 2010 election sa Maguindanao. Natural na sa ating mga Pilipino ang ganitong mga pangyayari kapag palapit na ang eleksyon. Ang eleksyon dito sa Pilipinas ay hindi ang karapatan nating maging malaya sa pagboto kundi ang marahasang pagpilit sa atin upang sila ay ating iboto.

Dahil sa mahina at mababang gobyerno ang nasa bawat probinsya, maraming karahasan ang nasasangkutan ng mga pulitiko dito. katulad nalang ng ginawa ni Datu Unsay Andal Ampatuan Jr., isang marahas na pakikipag kumpetensya ang kanyang ginawa, ipinapatay niya ang halos buong angkan ng kanyang kalaban. Umabot ang bilang ng mga namatay sa 57 na katao,

Sana'y magkaroon ng hustisya ang mga namatay, at sana sa mga susunod pang tatakbo sa pulitika, sana'y huwag na nilang gayahin ang ganitong paraan ng halalan, dahil hindi ito ang magdadala sa inyo sa minimithi nyong tagumpay. Nakita nyo naman ang naging resulta ng pamamaraan na mga Ampatuan sa darating na eleksyon, hindi ito naging matagumapay at sa halip nakasama pa ito sa kanila.